^

Punto Mo

Robles, umani ng pogi points sa GOCC awards night!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Dalawang mediaman ang inaresto ng mga tauhan ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III dahil sa pag-extort ng P4 milyon kay Talisay City Mayor Gerald Anthony Gullas Jr. Tsk tsk tsk!

Kinilala ni Torre ang inaresto sa alyas na Roger, isang radio commentator ng DYRB online radio, at ang kanyang assistant na si alyas Joselito. Araguyyy! Ang pitsa ay hinirit ng suspects kay Gullas para iatras ang kandidatura ni Roger sa darating na May elections. Ano ba ‘yan!

Nahulog ang suspects sa bitag na inihanda ng Cebu CIDG Regional Field Unit at Talisay PNP sa loob ng Star Mall sa Bgy. Lawaan 2, Cebu City. Nakumpiska sa suspects ang 10 P1,000 marked money, at kasamang boodle money. Imbes na kumita ng milyones, bagsak sa kulungan ang suspects. Dipugaaa!

••••••••

Umani ng pogi points si PCSO General Manager Mel Robles matapos gawaran ang kanyang opisina ng dalawang awards dahil sa kanilang significant achievements at outstanding performance noong nakaraang taon. Kung makikita n’yo si Robles na panay ngiti sa ngayon, ‘yan ay dahil sa mga awards na kinilala ang kanyang tamang pamumuno sa PCSO. Get’s n’yo mga kosa?

Hindi naman bago itong awards para kay Robles dahil maging noong taong 2022 ay na-recognize din ang PCSO ng Government Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) bunga sa kanilang accomplishments. Eh di wow! He he he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Para sa taon 2023, hinirang ng GCG ang PCSO bilang top ranking GOCC sa performance scorecard at sa palagiang pagkuha ng markang perfect score sa Stakeholder Relationship Section of the Corporate Governance Scorecard, for the calendar years 2021-2023. Wow na wow!

Hindi lang ‘yan, noong nakaraang taon din kinilala ng GOCC ang PCSO bilang “Most Improved GOCC” makaraang magtapos ang ahensiya ng impresibong scorecard rating na 92.03 percent. Kasama ni Robles sa pagtanggap ng naturang awards ang PCSO officials na sina chairman retired Judge Felix Reyes, at Board of Directors na sina Jennifer Liongson-Guevarra, Janet de Leon Mercado, Imelda Papin, at Board Secretary Atty. Charles Frederick Co. Ginanap ang annual GCG Awards ceremony sa Philippine International Convention Center. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang talumpati, binigyan diin ni Robles ang dedikasyon, at kasipagan ng PCSO team na patuloy na ipinapakita ang pinakamataas na standards sa corporate governance at service excellence.

“Our achievements are not just merely numbers; they represent our unwavering responsibility to serve the Filipino people and ensure that our programs align with the President’s directive toward “Bagong Pilipinas,” ani Robles.

Sa takbo ng PCSO sa ngayon, hindi na magtataka ang mga Pinoy kapag patuloy pang tumaas ang performance ng ahensiya sa liderato ni Robles. Ano pa nga ba? Hehehe! Anong sey n’yo mga kosa?

Ganito kasi ‘yan mga kosa, ang GCG Performance Evaulation System (PES), ay ginagrado ang accomplishments ng mga GOCCs sa nasabing fiscal year base sa grupo ng performance criteria, targets, at weights outlined sa performance scorecard.

“This system fosters a performance-driven culture among GOCCs, enabling them to effectively meet their goals effectively,” ani Robles.

Walang kokontra ha? Abangan!

GERALD ANTHONY GULLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with