^

Punto Mo

Mayang (52)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG gagawin mo kay Jeff, Henry?’’ tanong ni Puri sa kausap sa cell phone.

“Gaya ng dati, tatakpan ko ng unan ang mukha. Hindi na siya magigising. Hihinalaing namatay siya sa bangungot. Wala namang mati-trace na fingerprints dahil may guwantes ako.’’

“Hindi ka pa rin kumukupas, Henry.’’

“Kaya pagbutihan mo ang pagkumbinsi sa kumag na maisama ka sa bahay niya. Saan ba nakatira si Kumag?”

“Hindi ko alam.”

“Namputsa naman, ang tagal mo nang kinakalantari yan e hanggang ngayon hindi mo pa alam kung saan ang haybol.”

“Ngayon ko na lang uli siya na-meet Henry—pangalawang beses pa lang kami na nagkita.’’

“Pero dapat nalaman mo na ang mahahalagang info sa kanya. Mukhang humihina na ang kukote mo, Puri. Dati ang bilis mong makaisip at maka-prospect ng bibiktimahin ­nating OFWs at balikbayan pero ngayon, mahina ang quota. Anyare, Puri?’’

“Nagtatrabaho naman ako ah. Medyo mahirap lang kumbinsihin si Jeff.’”

“Baka naman nai-inlove ka sa Kumag na yan. Huwag mong sasamahan ng pag-ibig ang trabaho natin.”

“Hindi. Ba’t naman ako mai-inlove e alam mong ikaw ang mahal ko.’’

“Baka kasi nahuhulog ang loob mo.’’

“Hindi!’”

“Sige simulan mo na ang plano natin. Kumbinsihin mo na maisama ka sa haybol niya. Kapag naroon na kayo, i-text mo ako.’’

“Okey, Henry.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Samantala, nag-iisip si Jeff kung paano makakatawag sa hotline ng PNP para maireport ang planong pagpatay sa kanya.

Sino ang tatawagan niya?

Baka mahuli siya ni Puri habang tumatawag o nagti-text sa PNP hotline.

Itutuloy

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with