Health tips
• Pagkain para sa healthy hair:
1. Itlog: Isang piraso daily para pampatibay ng buhok.
2. Carrots: Isang piraso daily para hindi ma-dry ang anit.
3. Chia seeds: Isang kutsara daily para tumibay, maging makintab at hindi dry.
4. Bell pepper: Isahog sa mga lutuin. Pampatibay ng buhok.
5. Blueberrie, strawberries: 1 cup daily for collagen production.
6. Buto ng kalabasa: 2 tablespoon daily para mabilis humaba ang buhok.
• Hindi rin magandang maging pure vegan. Balansehin ang gulay, prutas at karne sa ating diet. Ang ating katawan ay naghahanap ng nutrient-dense, bioavailable foods kagaya ng itlog, gatas at red meat. Ang mga pagkaing ito ang bumuhay sa ating mga ninuno kaya nanatili silang malakas at malusog. Ang pagtanggal ng karne sa ating daily diet ay parang gusto mong magsiga ng apoy pero wala ka namang kahoy.
• Pagkagising sa umaga, uminom muna ng maligamgam na tubig. Tapos maghintay ng 1-2 oras bago uminom ng kape. Bigyan mo muna ng chance ang iyong katawan na gumising nang natural bago lumagok ng caffeine.
• Paligiran mo ang iyong sarili ng mabubuting tao na magdudulot sa iyo ng inspirasyon at magbubuhat sa iyo tungo sa positibong landas.
• Mas mainam na magbasa kaysa manood ng TV sa gabi bilang pampaantok.
• Maglakad nang nakayapak sa loob ng inyong bahay at bakuran ng ilang oras. Nagpapakalma ito ng nervous system at nakakaiwas sa pamamaga ng tissues na nagdudulot ng pananakit ng kalamnan.
- Latest