^

Punto Mo

‘Bangka’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG sumasagwan ako at itinatawid ang matandang babae sa kabilang pampang ay wala ka­ming imikan. Pero sa sulok ng aking mga mata ay nakikita kong kalmado lang si Lola at tila hindi natatakot na ginabi siya sa pag-uwi. Naisip ko naman na baka may sasalubong sa kanya pagtawid namin sa kabila.

Nang makatawid kami at nang bababa na si Lola ay ­nakiusap siya sa akin.

“Utoy wala akong maibabayad sa’yo kasi mayroon akong pinagkagastusan. Puwede mo ba akong patawarin?’’ sabi ni Lola.

“Opo Lola. Balewala po yun.’’

“Salamat Utoy, napakabuti mo.’’

“Wala pong anuman Lola.’’

“Sige Utoy, ako ay aalis na.”

“Wala ka bang sundo Lola. ­Madilim na po. Baka hindi mo makita ang daraanan.’’

“Wala akong sundo Utoy. Kaya ko pa namang maglakad nang mag-isa.”

“Sige po Lola. Mag-ingat ka po!’’

Lumakad na ang matanda.

Inihanda ko na ang bangka para isampa sa pampang. Uuwi na rin ako dahil wala nang pasahero.

Nang tingnan ko ang matanda sa nilakaran nito, wala na siya. Napakabilis namang maglakad!

Nasaan na ang matanda? (Itutuloy)

BOAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with