^

Punto Mo

Ang huling habilin ng hari

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HABANG naghihingalo si Alexander the Great, may tatlo siyang habilin sa kanyang magigiting na heneral:

“Una, ang mga mahuhusay na doktor lamang ng kaharian ang magbibitbit ng aking kabaong patungo sa aking libingan. Pangalawa,  ihahanay ninyo sa gilid ng daan patungong ­libingan ang mga ginto at pilak na aking kinita at naipon. Pangatlo, ibubuka ninyo ang aking mga palad at ilalaylay ang mga ito sa labas ng aking kabaong.”

Shocked ang mga heneral. May isang naglakas-loob magtanong kung bakit iyon ang gusto niyang mangyari? Kahit nagdedeliryo na ay nakuha pa ring magpaliwanag ng hari.

“Una, nais kong ipakita at maisip ng mga tao na kahit gaano kahusay ng isang manggagamot, wala silang magagawa kung nais na silang kunin ni kamatayan.

“Pangalawa, gusto kong ihanay sa daan ang lahat ng aking kayamanan upang ipakita sa mga tao na hindi ko madadala sa kabilang buhay ang lahat ng aking pinaghirapan. Napakalungkot ng katotohanan na halos magpakamatay ako sa paghahanapbuhay para lang makamtan ang lahat ng yaman sa mundong ito ngunit hindi ko pala madadala ang lahat ng ito sa aking libingan.

“Pangatlo, gusto kong nakabuka at nakalaylay sa labas ng kabaong ang aking mga kamay upang maisip ng lahat na dumating tayo sa mundong ito na walang yaman at lilisan din na walang laman ang mga palad.”

Pagkaraang magsalita at hinugot ng hari ang huli niyang hininga. Hinayaan na lang niyang sunduin siya ni Kamatayan.

HARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with