^

Punto Mo

EDITORYAL - Publiko’y ­nangangamba sa pagtaas ng krimen

Pang-masa
EDITORYAL - Publiko’y ­nangangamba sa pagtaas ng krimen

SUNUD-SUNOD ang mga nangyayaring krimen sa iba’t ibang lugar sa bansa. May tinatambangang barangay captain, ninanakawang bahay ng governor at mga niloloobang establisimento. May mga nangyayaring holdapan kahit sa mga karinderya, internet shop, pawnshop at gas station.

Pero sa kabila ng mga nangyaring krimen, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 61.87 percent ang krimen mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2024. Ayon sa PNP, 83,059 na krimen lamang ang naireport sa panahong nabanggit kumpara sa 217,830 na naireport mula 2016 hanggang 2018. Kabilang umano sa mga index crime na nareport ay pagnanakaw, pananakit, panggagahasa, panloloob, pagpatay, pagnanakaw ng motorsiklo at iba pang sasakyan.

Subalit ang sinasabing pagbaba ng crime index ay  sumasalungat naman sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing dumami ang nabibiktima ng mga criminal at maging cybercrime. Ayon sa SWS survey, tumaas ang krimen sa nakalipas na anim na buwan. Sa loob ng panahong nabanggit, dumami ang nabibiktima ng mga criminal at maging ng cybercrime. Sa isinagawang survey mula ­Setyembre 14-23, nakita ang 6.1 percent na pamilya na nagsabing nabiktima sila ng mga krimen na kinabibilangan ng pagnanakaw, pandurukot at pananakit sa nakalipas na anim na buwan. Ginawa ang surbey sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao kung saan 1,200 katao ang respondents.

Naitala ang bagong mataas na record sa mga nabiktima ng cybercimes na 7.2 percent o pagtaas na 3.5 percent mula Hunyo 2024. Umabot naman sa 48 percent ng mga respondents ang nagsabing natatakot silang maglakad sa gabi sa pangambang maholdap.

Sino ang paniniwalaan, ang publiko na nakararanas mabiktima ng mga kawatan at mga criminal o ang pulisya na nagsasabing bumaba ang krimen? Halos araw-araw ay may nangyayaring krimen at ang iba marahil ay hindi na narereport.

Ngayong papalapit na ang Pasko, tiyak nang magiging aktibo ang mga kawatan. Magiging abala sila sa pambibiktima ng mga empleyadong tumanggap ng 13th month pay at Christmas bonus. Marami ring namamasyal at nagsa-shopping sa panahong ito.

Paigtingin ng PNP ang pagbabantay sa publiko. Magkaroon ng 24 oras na pagpapatrulya sa mga lugar na maraming tao upang ma-secure ang kaligtasan. Kung may pulis sa kalye, matatakot sumalakay ang mga kriminal at mapapawi ang pangamba ng mamamayan.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with