^

Punto Mo

‘Kandila’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 8)

MULA nang magkolehiyo ako sa Maynila ay nagsisimba ako sa Quiapo tuwing unang Biyernes. Lagi kong dinadala ang itim na kandila—nakalagay sa aking leather bag. Walang palya ang pagpunta ko sa simbahan ng Quiapo at pinagdarasal ko ang kaluluwa ni Lola Feliza. Dinadasalan ko rin ang kandila. Pagkatapos ng misa ay lalabas na ako.

Sa gilid ng simbahan sa Evangelista ay maraming nagtitinda ng tiket ng sweepstakes. Uso pa noong dekada 70 ang tiket ng sweepstakes.  Bumili ako ng isang tiket sa lalaking nakasaklay.

Makalipas ang isang linggo, ganun na lamang ang pagkabigla ko nang malamang nanalo ang tiket ko. Malaki na ng panahong yun ang premyong P50,000.

Nagkatotoo ang sinabi ni Lola na may dalang suwerte ang itim na kandila.

Makalipas ang ilang buwan, panibagong suwerte ang dumapo sa akin. Nanalo ako sa raffle ng P50,000.

Dahil sa naipon kong pera, naipang-down ko iyon sa isang katamtamang laki ng lote.

Sumunod na suwerte ay nang kumuha ako ng board exam, kasama ako sa top 10.

(Itutuloy)

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with