43 unggoy, nakatakas sa isang laboratoryo sa U.S.!
ISANG research laboratory sa South Carolina, U.S.A. ang natakasan ng 43 unggoy na ginagamit nila para sa pag-aaral ng brain disease!
Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad matapos makatakas ang 43 Rhesus macaque mula sa Alpha Genesis research laboratory.
Ang laboratoryo ay isang medical research facility sa Yemasee, Beaufort County na nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa brain disease disorder treatments gamit ang mga unggoy.
Ayon sa statement ng Alpha Genesis, nakatakas ang mga unggoy dahil sa pagkakamali ng isang tagapag-alaga kung saan hindi nito na-lock nang maayos ang kulungan.
Kasalukuyang sinusubukan ng mga awtoridad at ng kompanya na ibalik ang mga unggoy gamit ang pagkain, bitag, at thermal imaging cameras.
Pinayuhan ang mga residente ng Yemasee na panatilihing nakasara ang kanilang mga tahanan. Ang Alpha Genesis ay may history na ng mga problema sa kulungan, na naging dahilan ng ilang insidente ng pagtakas ng mga unggoy noong 2014.
- Latest