^

Punto Mo

Ang first love ni Tutoy

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MALAPIT lang ang cabaret sa bahay ng pamilya ni Tutoy. Doon nagtatrabaho ang kanyang ina bilang “tiketera” at ama bilang bouncer. Para kumita ng ekstra, nagpupunta siya sa boarding house ng mga belyas upang maging utusan ng mga ito para bumili ng mga personal nilang pangangailangan kagaya ng sabon panligo at panlaba, pagkain sa karinderya ni Aling Toyang at marami pang iba. Tapos bibigyan siya ng pera ng mga babae bilang kabayaran sa kanyang pagiging panandaliang tsimoy.

Bukod sa kagustuhang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan, pumapayag siyang paalila sa mga babaing mababa ang lipad dahil may “bagong dating” na belyas na sa tingin niya ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. Kinse anyos na siya nang panahong iyon. Naakit kaagad siya sa natural na kagandahan ng babaing iyon na nalaman niyang Glenda ang pangalan. Lahat ng belyas ay na-recruit mula sa iba’t ibang probinsiya.

Lingid sa kaalaman ng kanyang ama at ina, tuwing gabi na bukas ang cabaret, siya ay sumisilip mula sa maliit na butas ng dinding upang panoorin si Glenda na nakikipagsayaw sa iba’t ibang lalaki. Naiinggit siya sa mga lalaki na buong laya nilang nahahapit ang baywang at naaamoy ang hininga ng babaing minamahal niya.

Binibilang talaga niya ang lalaking nakikipagsayaw kay Glenda sa bawat gabi. Nakikita rin niya kung gaano ito katapang lumagok ng beer habang kainuman ang mga lalaking kostumer. Ewan ba niya pero para bang sinasaksak ang puso niya sa tuwing  pinapanood niya ang mga eksenang masayang nakikipagkuwentuhan si Glenda sa mga lalaki.

Isang gabi na nakasilip siya sa butas ng dinding, nakita niyang nagpaalam si Glenda sa floor manager  at lumabas ng cabaret. Mahahalata sa kilos nito na hindi maganda ang pakiramdam nito. Lihim na sinundan  ni Tutoy si Glenda.                                                                         (Itutuloy)

LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with