Mayang (32)
Natigilan si Jeff sa sinabi ni Puri.
Para nga yatang totoo ang sinabi ni Puri. Hindi na nga yata dapat pang pag-aksayaan niya ng panahon si Mayang.
Para siyang sira-ulo na naghahanap sa babaing may asawa at anak na pala.
Sayang lang ang panahon na iniukol niya sa paghahanap.
“Kung ako sa’yo Jeff, hahanap na lang ako ng iba. Maraming babae. Marami namang magkakagusto sa iyo. Huwag mo nang sayangin ang oras kay Mayang!’’
Pinagmasdan ko si Puri.
Lumaban nang titigan si Puri.
Ibinaba ko ang tingin. Ano ba itong nangyayari at parang nag-aanyaya si Puri na mayroon kaming gawin.
Nang-aakit ang kagandahan ni Puri.
Lumipas ang mga oras. Patuloy pa rin ang ulan. Walang palatandaan na titigil.
“Bukas ka na umuwi Jeff. Baha na sa dadaanan mo.’’
Hindi sumagot si Jeff.
Tumayo si Puri at nagtungo sa kusina. May dalang Blue Label na alak.
“Dala ko pa ito—galing duty free. Masarap na siguro ito. Di ba ang alak lalong sumasarap kapag tumatagal.”
Inilapag ni Puri ang alak sa mesita.
Ano ang binabalak ni Puri?
(Itutuloy)
- Latest