Mayang (31)
HINDI agad sumagot si Puri sa tanong ni Jeff.
Sa labas, lalo pang lumakas ang ulan. Parang may bagyo.
“Paano mo nalaman na may asawa na si Mayang, Puri?’’ tanong muli ni Jeff kay Puri.
“Nagkausap kami. Nagtapat siya. May anak na nga sila.’’
Parang nagunaw ang mundo ni Jeff sa sinabi ni Puri.“Kailan kayo nagkausap?”
“Mga isang linggo na makaraan kang nagtungo rito.’’
“Saan kayo nagkita?’’
“Mahalaga pa ba yun? Basta may asawa na siya at anak. Wala ka nang dapat itanong pa? Hindi mo na siya dapat pag-aksayahan ng panahon. Humanap ka na ng iba. Huwag mo na siyang hanapin.’’
(Itutuloy)
- Latest