^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagdami ng kaso ng leptospirosis

Pang-masa
EDITORYAL - Pagdami ng kaso ng leptospirosis

MARAMING lugar ang binaha dahil sa Bagyong Kristine. Bumaha sa Bicol Region, Calabarzon, National Capital Region at Northern Luzon. Maraming tinangay ng agos at may mga nalunod. Nagsipuntahan sa bubong ng kanilang bahay ang mga residente para makaligtas sa bangis ng baha. Ang lubhang nakapagtataka, mabagal bumaba ang baha. Ayon sa mga residente, hindi naman ganito ang sitwasyon kapag bumabaha dulot ng bagyo. Anila, ilang oras lang makaraang bumaha ay humuhupa na. Ngayon ayon sa mga residente, dalawang araw na ang nakalilipas ay malalim pa ang baha.

Ang kinatatakutan ngayon ay ang pagdami ng kaso ng leptospirosis. Kung mabagal ang paghupa ng baha, napakadelikadong lumusong sapagkat maaring konta­minado ng ihi ng daga na pinagmumulan ng leptos­pirosis. Kung ang lulusong sa baha ay may sugat sa paa, binti, hita at singit, posibleng dito pumasok ang virus. Kapag hindi naagapan, sisirain ng virus ang kidney at kailangang magpa-dialysis.

Nang manalasa ang Bagyong Carina noong Hulyo­ na nagdulot ng baha sa Metro Manila at karatig pro­bin­­siya, maraming tinamaan ng leptospirosis. Dumagsa sa National Kidney Institute at San Lazaro Hospital ang mga taong may sintomas ng leptospirosis. Napuno ng pasyente ang dalawang hospital at kinulang ang nurses at doctors. Lumutang ang sintomas ng leptospirosis, dalawang linggo makaraan ang pananalasa ng Bagyong Carina.

Ang pagdami ng leptospirosis ang nag-udyok kay Health Secretary Ted Herbosa para hilingin sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng isang ordinansa na mahigpit na magbabawal sa paliligo sa baha. Kung may ordinansa, hindi na raw darami ang lepto at hindi na mahihirapan ang DOH na tugunan ang mga kaso.

Hanggang ngayon, baha pa sa ilang bayan sa Bicol at ikinatatakot ang paglobo ng kaso ng leptospirosis doon. Dapat paghandaan ito ng DOH. Maglaan ng mga emergency rooms sa mga ospital para sa mga pasyente. Dalawang linggo ang inaasahang paglitaw ng sintomas. Mag-ingat naman ang residente.

LEPTOSPIROSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with