Event sa China na itinanghal ang iba’t ibang luto ng kalapati, nakatanggap ng Guinness World Record!
NAKAPAGTALA ng world record ang isang annual cooking competition matapos makapagtanghal ng iba’t ibang putahe ng kalapati. Kinumpirma ng Guinness World Records na ang event na 3rd Pigeon Dishes Competition ang pinakabagong record holder ng titulong ‘Most Varieties of Pigeon Dishes on Display’, matapos makapagluto ang mga kalahok na chefs dito ng 500 dishes na gawa sa Shiqi Squab o Young Pigeons.
Naganap ang event sa Zhongshan City sa Guangdong Province noong September 28. Dinaluhan ito ng 50 groups of chefs mula sa mga kilalang restaurant, culinary brands at food companies. Bawat grupo ay gumawa ng tig-sampung putahe gamit ang 28-day-old na kalapati.
Sa loob ng 90 minuto, nakapagluto ang mga chef ng 500 dishes at kinumpirma ng mga adjudicators ng Guinness na bawat putahe ay unique at walang naulit ni isa. Pagkatapos ng event, kanya-kanyang nag-uwi ng takeout na pagkain ang lahat ng dumalo sa event upang maiwasan ang pagsasayang ng pagkain.
- Latest