^

Punto Mo

Mayang (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PALAPIT na nang palapit ang takdang pag-alis ni Jeff patungong New Zealand at wala pang liwanag kung makikita niya si Mayang.

Binilang niya ang araw na natitira sa kanyang bakasyon—31 araw na lamang. Kailangan bago matapos ang 31 araw, nakita na niya si Mayang.

Puwede naman siyang humingi ng extension sa kompanya niya sa New Zealand kung sakali pero pipilitin niyang makita ang babaing minamahal. Gusto niyang makausap at mayakap si Mayang.

Tinawagan niya isang araw si Mam Araceli. Mangungumusta siya sa mabait na guro.

“Magandang umaga Mam Araceli.’’

“Magandang umaga Jeff.’’

“Kumusta ka Mam?”

“Okey naman ako Jeff. Ang hindi okey ay walang balita kay Mayang. Hindi pa siya dumadalaw sa akin.’’

“Maghihintay ako Mam.’’

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa.’’

“Opo Mam.’’

“Malay mo, bukas ay bigla akong dalawin ni Mayang.’’

“Sana nga po, Mam.’’

“Malakas ang kutob ko Jeff.’’

“Balitaan moa gad ako Mam Araceli.’’

“Oo.’’

KINABUKASAN nag-ring ang phone ni Jeff.

Hindi niya kilala ang may-ari ng number. Sinagot niya.

“Hello, sino ‘to?’’

“Si Puri, Jeff. May sasabihin ako sa’yo, mahalaga. Puntahan mo ako rito sa bahay ngayon din.’’

Nag-isip sandali si Jeff kung paano nalaman ni Puri ang number niya? Ibinigay ba niya noong magkita sila.
“Darating ako Puri,’’ sabi ni Jeff.

Nagpunta agad si Jeff sa bahay ni Puri sa Lardizabal St.

Kumatok siya sa pinto.

May nagbukas. Si Puri.

“Pasok ka Jeff.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with