Paniki, nakatakas sa zoo sa pamamagitan ng pagtatago sa jacket ng turista!
ISANG paniki ang nakatakas mula sa isang zoo sa Germany sa pamamagitan ng pagdapo sa isang turista at nagtago sa jacket nito hanggang sa ito ay makauwi.
Sa panayam kay Elina Öfele, na namasyal siya at ang kanyang anak sa isang kuweba ng mga paniki sa Karlsruhe Zoo sa southwest Germany. Pag-uwi nila sa bahay, tinanggal niya ang kanyang jacket at nalaglag mula rito ang isang paniki sa sahig.
Nakipag-ugnayan si Öfele sa isang animal expert at inilagay ang paniki sa isang kahon na may honey water at isang saging para may makain at maging komportable ito sa magdamag.
Kinabukasan, dinala ng kanyang asawa at anak ang paniki pabalik sa zoo.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng zoo, naibalik na ang leaf-nosed bat sa kanyang tirahan at ito ay nasa mabuting kalagayan. Ayon sa kanya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatakas ang isang paniki mula sa zoo sa pamamagitan ng pagsama sa isang bisita.
- Latest