^

Punto Mo

Mayang (26)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY nangyari ba sa inyo ni Mayang, Jeff?’’ tanong muli ni Mam Araceli na para bang ini-x-ray ang kanyang pagkatao.

“Kasi hindi ka mag-aaksaya ng panahon na hanapin ako para magtanong ukol kay Mayang. Sabihin mo ang totoo. Makikinig ako—katulad ng ginagawa kong pakikinig kay Mayang at iba ko pang estudyante.’’

Napabuntunghininga si Jeff.

“Malaki ang kasalanan kay Mayang, Mam Araceli. Nako­konsensiya ako. Kaya gusto ko siyang matagpuan.’’

“Anong nangyari? Anong kasalanan mo?’’

Ikinuwento ni Jeff. Lahat nang nangyari sa kanila ni Mayang noong nasa Dubai pa sila hanggang umuwi rito sa Pinas at ang pagtalikod niya rito nang magtrabaho sa New Zealand. Wala siyang nilihim kay Mam Araceli.

Napatangu-tango si Mam Araceli makaraang mapakinggan ang kuwento ni Jeff.

“Wala naman akong nahalata kay Mayang nang huli ko siyang nakausap. Wala rin siyang sinabi na may kaugnayan sa iyo. Magaling pa ring magtago ng problema si Mayang. Hindi ko nahalata. Tingin ko, wala siyang problema.’’

“Wala po siyang nabanggit na iba pa?”

“Wala naman. Ang napag-usapan namin ay tungkol sa aking­ sakit. Walang napag-usapan sa buhay niya. Wala nga siyang nabanggit kung ano ang ikinabubuhay niya.’’

“May pag-asa po kayang bumalik siya rito—dadalaw kaya siya uli?’’

“Hindi ko alam.’’

“Kung dadalaw po, pakikuha po ang address niya, Mam.’’

“Sige Jeff. Akong bahala.’’

Bago nagpaalam si Jeff, binigyan niya ng pera si Mam Araceli.

“Tanggapin mo po ang kaunti kong tulong, Mam.’’

“Salamat Jeff.”

“Babalik po ako rito. Baka po mayroon nang magandang balita kay Mayang.”

“Kukunin ko ang cell phone mo Jeff. Kapag may magandang balita, iti-text kita.”

“Maraming salamat Mam. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat.” (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with