^

Punto Mo

EDITORYAL — Patuloy sa pag-import ng bigas ang Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL — Patuloy sa pag-import ng bigas ang Pilipinas

MAY ginagawa bang paraan ang Department of Agriculture (DA) para matigil o mabawasan man lang ang pag-angkat ng bigas? May mga hakbang ba para mapalago ang sariling ani? O kuntento na lang sa walang tigil na pag-angkat ng bigas?

Ayon sa USDA’s Economic Research Service, nangu­nguna ang Pilipinas bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo. Pumapangalawa ang China, sunod ang Indonesia, European Union, Nigeria at Iraq. Ang rice import ng Pilipinas ngayong 2024 ay 3.8 milyong metriko tonelada. Karaniwang galing ng Vietnam at Thailand ang bigas.

Noong Hunyo 30, 2022 nang umupong Presidente si Ferdinand Marcos Jr. sinabi niyang hindi matang­gap ng kanyang kalooban na ang Pilipinas ay uma­angkat ng bigas sa kabila na agricultural na bansa. Ibig niyang sabihin, bilang isang agricultural na bansa ang Pilipinas, hindi dapat umaangkat ng bigas. Natu­ringang malawak ang lupang sakahan pero bumibili ng bigas.

Mahigit isang taon na pinamunuan ni Marcos ang Agriculture department. Napabayaan umano ng mga nakalipas na administrasyon ang Agriculture department. May mali raw sa sistema kaya dapat maisaayos. Pero wala ring pagbabago mula nang hawakan niya. Patuloy pa rin ang pag-import ng bigas.

Hindi rin niya natupad ang pangakong P20 per kilo ng bigas. Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas sa pami­lihan ay P40 hanggang P60.

Itinalaga ni Marcos na Agriculture Secretary si Francisco Tiu Laurel, Jr. makalipas ang mahigit isang taon. Nangako naman si Tiu-Laurel na pagagandahin ang ani at tutulungan ang mga magsasaka. Noong naka­raang taon, sinabi ni Tiu-Laurel na umabot sa 20.06 mil­yong metriko tonelada ng palay ang naani. Ito umano ang pinakamataas na ani ng bansa sa kasaysayan. Sisikapin daw niyang mapababa ang production cost ng mga magsasaka para lumaki ang kita ng mga ito.

Hindi ba siya makagagawa ng paraan na maitigil o mabawasan ang iniimport na bigas ng bansa? Mala­wak ang taniman ng palay sa Pilipinas pero nag-iimport. Ang nakahain sa hapag ng bawat Pilipino ay kanin mula sa bigas na imported.

Maraming mali sa sistema at may korapsiyon kaya patuloy ang rice importation. Pinabayaan ang sector­ ng agrikultura. Walang sapat na patubig, kulang sa ayuda ang mga magsasaka, walang kalsada para mailuwas ang ani at iba pang problema. Ito ang lutasin ng DA Secre­tary. Kung masosolb ang mga ito, baka sakaling maputol na ang pag-angkat ng bigas. Makakakain din ng kanin mula sa sariling ani ang mga Pilipino.

 

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with