^

Punto Mo

Isa na namang mamamahayag ang pinatahimik

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA susunod na buwan ay gugunitain na naman ang karumal-dumal na pagpatay sa 32 mamamahayag sa tinaguriang Maguin­danao massacre. Kasama sa convoy ang mga mamamahayag para sa pagpa-file ng COC ng isang kandidato noong Nobyembre 23, 2009. Pero hinarang sila ng grupo ni Andal Ampatuan Jr. at walang awang pinagbabaril. Para maitago ang krimen, inilibing sila sa isang malalim na hukay kasama ang mga sasakyan. Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol sa mga Ampatuan. Subalit marami pa rin sa kaanak ng minasaker kabilang ang mga mamamahayag ang sumisigaw ng hustisya sapagkat marami pa sa mga killer ang nakalalaya. Ang pangyayari ang itinuturing na pinakakarumal-dumal kung saan ang biktima ay mga mamamahayag.

Noong Martes, isa na namang mamamahayag ang walang awang pinatay habang nasa harap ng isang tindahan sa Bgy. Tumaga, Zamboanga City. Nakilala ang biktima na si Maria Vilma Rodriguez, 56, volunteer reporter ng Brigada Station at host ng public affairs program ng 105.9 EMedia Radio. Dinala sa ospital si Rodriguez pero dineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, nakaupo sa harap ng isang tindahan si Rodriguez nang lapitan ng isang lalaki at pagbabarilin, gamit ang kalibre 38. Pagkatapos barilin, tumakas ang suspek. Hinahanap na ito ng pulisya. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay.

Kinondena ng Malacañang ang pagpatay kay Rodriguez at inatasan ang pulisya na magsagawa nang mabilis at malalimang imbestigasyon. Si Rodriguez ang ikalimang mamamahayag na napatay sa ilalim ng administrasyong Marcos. 

Nang magsalita si Marcos sa ika-50 anibersaryo ng Publishers Association of the Philippines, Inc. noong nakaraang buwan, pinangako niya dodoblehin ng pamahalaan ang pagsisikap para mapangalagaan ang mga mamamahayag. Binibigyang halaga ng pamahalaan ang papel ng organisasyon bilang bantay ng komunidad at tagapagtanggol ng kalayaan sa pamamahayag.

Lutasin ang pagpatay kay Rodriguez at iba pang mamamahayag. Marami ang hindi pa nakakakamit ng hustisya. Hulihin ang mga suspect sa pagpatay, Ang pangakong puprotektahan ang mga mamamahayag ay inaasahan at hindi sana ito malibing sa limot.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with