^

Punto Mo

EDITORYAL - Harapin, pagdinig ng Senado sa war on drugs

Pang-masa
EDITORYAL - Harapin, pagdinig ng Senado sa war on drugs

HINDI dumalo si dating President Rodrigo Duterte sa pagdinig ng House quad committee noong Martes kaugnay sa extra judicial killings (EJKs) na naganap sa ilalim ng kanyang war on drugs. Taliwas ito sa sinabi ni Duterte noon na dadalo siya sa isasagawang pagdinig kapag inimbita. Sabi pa niya, basta maayos ang pagtatanong sa kanya, dadalo siya. Ayon sa abogado ni Duterte, masama ang pakiramdam nito kaya hindi makakadalo sa pagdinig.

Ayon sa quad committee, pinadalhan nila ng imbitasyon ang dating Presidente sa public hearing upang mailahad nito ang panig ukol sa extra judicial killings sa kanyang war on drugs. Para rin umano mabigyan ng liwanag ang mga inaakusa sa kanya.

Sa hindi pagdalo ng dating Presidente, hindi niya na­ipagtanggol ang sarili sa mga isiniwalat ni dating police colonel at PCSO general manager Royina Garma na siya ang nasa likod ng EJKs at nag-utos na pagkalooban ng pabuya ang mga pulis na makakapatay ng drug suspect. Sabi ni Garma, P20,000 hanggang P1-milyon ang reward.

Ayon kay Garma, ipinatawag siya ni Duterte sa bahay nito at nagpahanap ng taong gagawa ng kanyang mga plano na pattern sa “Davao model’’. Isang upperclassman ni Garma sa PNPA ang kanyang kinuha at ginawa naman nito ang mga iniutos. Si Duterte rin umano ang nasa likod ng pagpatay sa tatlong Chinese drug lord habang nakakulong sa Davao Penal Colony.

Marami pang isiniwalat si Garma ukol kay Duterte at sa war on drugs nito. Sabi pa ni Garma, ginawa niya ang pagtatapat para malaman at manaig ang katotohanan. Sabi ng mga mambabatas, marami pa umanong ipag­tatapat si Garma ukol sa war on drugs ng Duterte admi­nistration.

Magsasagawa naman ng sariling imbestigasyon ang Senado ukol sa war on drugs na pamumunuan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel. Ayon kay Pimentel nga­yong linggong ito sisimulan ang pagdinig at iimbitahan nila sina dating Presidente Duterte, Garma, dating se­nador Leila de Lima, Kerwin Espinosa, at iba pang resource persons.

Ito na ang pagkakataon ni Duterte para maipagtanggol ang sarili at linisin ang pangalan. Kung hindi siya dadalo, magpapatuloy ang pagsisiwalat ukol sa kanya ng mga dating tauhan. Madidiin siya nang madidiin. Sa kanya ibubunton ang lahat ng mga pagpatay na naganap sa kanyang panunungkulan.

Kailangang maipagtanggol niya ang sarili sa mga binabato sa kanya. Magagawa niya ito kung dadalo siya sa pagdinig ng Senado.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with