^

Punto Mo

‘Pako’ (Part 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“’Yan nga po ang pangarap ko Tatay Kiko kaya nakipagsapalaran dito sa Maynila—ang makapag-aral,’’ sabi ko makaraang sabihin ni Tatay Kiko na kailangang makapagtapos ako.

“Ano ba ang hilig mo, Ramon?’’

“Gusto ko pong maging accountant, Tatay Kiko.”

“Aba sige. Napansin ko ngang mahusay ka sa numbers. Mahusay kang magsukli kahit walang calculator. Dapat nga sa’yo accountant.’’

“Pero baka mahirapan kayo ni Nanay Angela, Tatay Kiko.’’

“Hindi. Itataguyod ka namin.’’

“Salamat po.’’

“Dala mo ba ang school card, diploma at birth certificate?”

“Opo. Lahat po ng kailangan.’’

“Magaling. Mara­ming university sa Recto Avenue na puwede kang pumasok, Sasamahan kita.’’

Kinabukasan nga, nag-inquire kami ni Tatay Kiko.

Naka-enrol agad ako ng sumunod na linggo.

Iyon ang simula ng bagong yugto ng buhay ko.

(Itutuloy)

KIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with