^

Punto Mo

LTO inilalapit sa ­disgrasya ang e-bike users

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI maganda ang kautusan ng Land Tranportation Office (LTO) na pagsuspende sa registration ng e-bikes at electric tricycles. Habang pinatatagal ang suspension ng registration ng e-bikes at iba pang electric vehicles, lalong dumarami ang mga sasakyang ito sa kalsada. Sa kasalukuyan, dahil suspendido ang registration, puwedeng tumawid sa kung saan-saang ­pangunahing kalsada ang mga e-bikes at iba pa. At sa ginagawang ito, nakasakmal ang malagim na aksidente sa e-bike users. Posibleng sa pagtawid o pag-cross sa malaking kalsada, mabundol ng malalaking sasakyan gaya ng bus o kaya’y truck. Ano ang laban nang maliit na e-bike sa dambuhalang sasakyan sa kalsada.

Noong Abril 15, 2024, naglabas ng Administrative Order 2021-039 ang LTO sa mga hindi rehistradong e-bike at iba pang electric vehicles. Nakasaad sa AO na ang mga hindi rehistradong electric vehicles na dumadaan sa mga pampublikong kalsada ay dapat ma-impound. Subalit nagbigay ng kautusan si President Ferdinand Marcos Jr. noong Abril 18 na bigyan ng sapat na pagkakataon ang e-bike users bago patawan ng parusa ang mga ito.

Anim na buwan na ang nakaraan mula nang magbigay ng direktiba ang Presidente pero hanggang ngayon, patuloy pa ring suspendido ang e-bike registration. Hindi pa ba sapat ang anim na buwan na pagbibigay ng pagkakataon sa e-bike users? Palagay ko sobra-sobra na ang pagbibigay sa e-bike users. Dapat iparehistro na ang e-bikes sapagkat para rin ito sa kapakanan ng may-ari.

Sa kasalukuyan, dahil suspendido ang e-bike registration, walang patumangga kung gamitin sa paghahatid ng estudyante sa school, pandeliber ng online order, panghakot ng paninda at iba pa. 

Noong nakaraang taon, nakapagtala ng 556 e-bike accident sa National Capital Region. May mga nangyaring aksidente ngayong 2024 pero wala pang opisyal na report.

Hanggang kailan pa sususpendihin ang e-bike registration? Habang pinatatagal nang pinatatagal o pinalalawig ang registration ng e-bike, parami nang parami ang naglipana sa kalye at parami rin nang parami ang aksidente.

Hindi dapat ilapit ng LTO ang e-bike users sa malalagim na aksidente. Hindi makatutulong ang urung-sulong na registration.

LAND TRANPORTATION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with