Kabayanihan ng mga insekto sa kanilang colony
Kahit ang mga honey bees ay marunong magsakripisyo para sa ikagagaling ng buong colony. Base sa pag-aaral na ginawa tungkol sa behaviour ng honey bee workers, sila mismo ang lumalayas sa kanilang “hive” kapag infected sila ng sakit upang hindi na makahawa sa mga kasamahan. Namamatay sila kapag nanatili sa labas ng hive. Mas pinili nilang mamatay kaysa manghawa.
Sa grupo ng Brazilian Forelius pusillus ant, may ilang magsasakripisyong magbantay sa labas ng entrance ng kanilang nest sa gabi. Ang nest ay yari sa lupa at buhangin. Ang ginagawa ng nagbabantay sa labas ay patuloy na sisipain ang lupa upang tumibay at hindi matibag. Nae-expose sa lamig at hangin ang mga bantay sa labas na madalas nilang ikamatay. Magkaganoon pa man, hindi sila nawawalan ng volunteers na magbabantay sa gabi. Naroon ang pagsasakripisyo sa ikabubuti ng nakararami.
May isang uri ng anay na kapag sumabog ang katawan ay may lumalabas na malagkit na likido. Kapag may kalaban na gustong pumasok sa kanilang bahay, pasasabugin nila ang sarili para dumikit ang malagkit na likido sa kalaban hanggang sa mamatay. Magpapakamatay sila para sa kaligtasan ng buong termite colony.
- Latest