^

Punto Mo

Mag-amang ­Mangudadatu, may ­patutsada vs SAP ­Lagdameo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MASAMA ang loob ng Mangudadatu political clan kay SAP Anton Lagdameo dahil sa “panghihimasok” umano nito sa pulitika sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa kampo ng Mangudadatu, hayagang hinaharas at tinatakot ni Lagdameo ang kanilang mga supporters na mayor na ‘wag suportahan ang kanilang kandidatura. Tsk tsk tsk!

Kaya sa kumakalat na video nina dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Suharto “Datu Teng” Mangudadatu ang anak na si Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, mahigpit nilang kinondina ang paghihimasok ni Lagdameo sa pulitika sa BARMM. Ano ba ‘yan? Ang mag-amang Mangudadatu ay supporters ni President Bongbong Marcos kaya nagtataka sila kung bakit napag-initan sila ni Lagdameo. Sanamagan!

Ayon sa kampo ng Mangudadatu hindi pag-uugali ng Bagong Pilipino ang takut-takutin at harasin ang kanilang mga mayor kapag hindi sasama sa utos ng Palasyo. Ang masama pa, pati pangalan ni BBM ay nani-namedrop sa panghaharas sa kanilang mga supporters. Tsk tsk tsk! Hindi lang ‘yan! Nagbabanta pa ang kampo ni Lagdameo na kakasuhan ang mga mayor, tatanggalan ng bodyduard at iri-raid pa ang kani-kanilang tahanan, ayon pa kay Gov. Mangudadatu. Dipugaaa!

Sa parte naman ng matandang Mangudadatu, inakusahan nito si Lagdameo na nagkamal ng bilyong pondo sa BARMM, at aniya, binalaan din siya ni SAP na ‘wag tumakbo sa pulitika. Bakit? Ano ang dahilan? Dapat sigurong ayusin ng Palasyo ang sigalot sa kampo ng Mangundadatu at Lagdameo bago lumaki pa ang sunog. ‘Ika nga, magiging apoy ang usok. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang matandang Mangundadatu ay hindi inalintana ang pananakot ni Lagdameo at imbes ay nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-gubernador ng Maguindanao del Norte. Dahil malapit na ang 2025 midterm elections, dapat ang magiging hot topic ng Marites sa BARMM sa political season ay pulitika, di ba mga kosa? Subalit hindi eh. Ang main topic sa ngayon ay ang bangayan ng kampo ng mga Mangundadatu at Lagdameo. Eh di wow! Sana ang sigalot sa magkabilang kampo ay hindi mag-i-ignite ng kaguluhan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Matapos mag-file ng kanilang COC, hayagang nanawagan ang mag-amang Mangundadatu na mag-resign na si Lagdameo. Araguyyyyy! Hiniling din ng matandang Mangundadatu na imbestigahan ng Palasyo ang mga kontrata sa BARMM na kinopo ni Lagdameo gamit ang construction firm ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. Na naman?

Ayon naman kay Gov. Mangundadatu, si Lagdameo ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagdaraos ng “Lab For All” outreach program ni First Lady Liza Araneta Marcos dalawang linggo na ang nakaraan. Purbidang yawaahhh! “Kung kaya n’yang ipa-kansel ang  ang walang kapuli-pulitikang project ni FL Liza Marcos, eh di mas kaya niyang duruin ang mga local LGUs,” ayon pa kay Datu Pax. Mismooo!

Deny to death naman ang kampo ni Lagdameo na hinaharas at tinatakot nila ang mga mayors na supporters ng mga Mangundadatu. Bukas ang Dipuga sa sagot ni Lagdameo sa mga patutsada ng mag-amang Mangundadatu. Abangan!

MANGUDADATU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with