Imelda Papin, magpi-perform sa PCSO Chorale concert!
MAGKAKAROON ng comeback concert ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chorale sa GSIS Theater sa Pasay City mamayang gabi. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ang pag-relaunch ng concert, na may titulong “Celebrating Our Milestones” ay ang main event ng pagselebra ng ahensiya ng kanilang 90th anniversary. Eh di wow!
Ang pinaka nitong concert ay ang partisipasyon ni Sentimental Songstress Imelda Papin, na kailan lang ay hinirang na miyembro ng PCSO Board of Directors. Mismooo! Bahala na si Mam Papin kung ilang peborit songs ang kakantahin niya. O hayan sa mga fans ni Mam Papin, dumugin n’yo na ang GSIS theater.
Libre lang po ito sa lahat ng may hawak ng imbitasyon, ayon kay Bong Arriola, ang contact person ng PCSO. Kapag may aberya, hanapin lang si Mr. Arriola. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang PCSO Chorale mga kosa ay itinatag noong 1998, at na-introduce sa 64th anniversary celebration ng ahensiya. Mula noon, nakatulong ang grupo para isulong ang PCSO profile sa pamamagitan ng musical experience sa iba’t-ibang ahensiya at maging sa state events, lalo na sa lokal na paligsahan.
Sa lumipas na mga panahon nakamit ng grupo ang malaking tagumpay, kabilang na ang 1st runner-up sa GCAA-sponsored choral competition noong September 2000. Naging champion din ito sa National Aposleship of Prayer Christmas Carol competition sa nasabing taon. Abayyy, magaling pala ang PCSO Chorale, ‘no mga kosa? Ang malungkot lang, naging inactive itong chorale nang tumama ang COVID-19 sa Pinas noong 2020. Dipugaaa!
Kaya’t nasa tamang timing si Robles nang i-revive niya ang choir ng nakaraang taon para lalong isulong ang iba’t ibang programa ng PCSO, kasama na ang paghahanda sa 90th anniversary ng ahensiya. Ang concert mga kosa ay hindi lang naman puro si Mam Papin ang magpapasaya sa inyo. May 16-piece strong ensemble din na kalakip sa choir. Eh di wow!
Hindi lang ‘yan, ang unang performance ay ipakikita ang mga kantang nakabase sa key milestones sa loob ng 90-year history ng ahensiya. Sanamagan! Tiyak mag-ienjoy, hindi lang ang mga empleado, kundi maging ang mga inimbitahan ni Arriola, di ba mga kosa?
Teka, hindi pa ako tapos. May second part pa na ang mga repertoire ay ipakikita ang core values nf PCSO, at ang mga prinsipyo na nauugnay sa programa ni President Bongbong Marcos na “Bagong Pilipinas.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Para itodo na ang kasiyahan ng mga nanonood, ang bantog na conductor at arranger na si Robert Delgado ang hinirang ng PCSO Board na musical director at conductor ng concert. Bonggaaa! Ayon kay Robles si Delgado rin ang mangunguna sa chorale para isulong at magsilbing “Ambassador of Goodwil” ng ahensiya.
Ito ay upang ipagpatuloy ang misyon ng PCSO at itulak paitaas ang magandang imahe nito sa pamamagitan ng nakabibighaning musical performances. Ano pa nga ba! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa? Magsadya na sa GSIS theater sa Pasay City para first hand n’yong mapanood ang nakaaaliw na performance ni Mam Papin at PCSO Chorale. Abangan!
- Latest