^

Punto Mo

‘Pako’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

KAPAG nakakakita ako ng pako sa aking dinaraanan, pinupulot ko. Kahit kinakalawang na pako ay pinupulot ko. Mula nang magtungo ako sa Maynila noong 1978, sinimulan ko ang pamumulot ng pako. Natigil lamang ako sa pamumulot ng pako noong 1980 na nagkaroon ako ng trabaho at naging maayos ang buhay.

Malaki ang kaugnayan ng pako sa aking buhay. Ulila akong lubos kaya maaga akong napasabak sa hirap ng buhay. Dahil wala na akong ama at ina, kinupkop ako ng aking tiyahin. Pero dahil hirap din ang kanyang buhay at maraming anak, hindi ako tumagal. Naghanap ako ng sariling buhay at tumayo sa sariling paa.

Pumasok akong helper sa isang hardware store sa isang bayan sa probinsiya namin. Ang trabaho ko ay mag-ayos ng mga pako sa lalagyan. Ang mga pako ay inilalagay ko sa kani-kanilang lalagyan para kung may bibili ay da­dampot na lamang.

Pero malupit ang Intsik na may-ari. Kapag nagkamali ay minumura at sinasaktan ako.

(Itutuloy)

PAKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with