^

Punto Mo

Father and son tandem, nakatanggap ng Guinness record dahil sa koleksiyon nila ng ‘doctor who merchandise’!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mag-ama sa Chicago, USA ang nakapagtala ng world record dahil sa malaking koleksyon nila ng Doctor Who memorabilia.

Kinumpirma ng Guinness World Records na ang mag-amang sina Lee at William Thompson ang record holder ng titulong “Largest Collection of Doctor Who Memorabilia”. Ito ay matapos silang makapagkolekta ng 7,507 pieces ng iba’t ibang Doctor Who merchandise tulad ng komiks, libro, laruan, DVD, VHS at iba pa.

Ang Doctor Who ay isang sikat na science fiction TV Show mula sa British TV network na BBC. Ang kwento nito ay tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng karakter na tinatawag na “Doctor”, isang alien na tinatawag mula sa planetang Gallifrey.

Ayon sa mag-amang Thompson, ang kabuuan ng kanilang koleksyon ay umabot sa 21,000 pieces ngunit 7,507 lang sa mga ito ang naaprubahan at kinilala ng Guinness bilang official merchandise ng Doctor Who.

DOCTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with