‘Ilang-ilang’ (Part 6)
AYON sa kuwento ni Tatay, habang nagdadasal siya na maligtas sa pagkalunod sa rumaragasang ilog, isang nabuwal na puno ng ilang-ilang ang nakita niyang inaanod at patungo sa kanyang direksiyon.
Nang mapatapat sa kanya ang malaking puno ng ilang-ilang, agad siyang sumakay at nagpatianod patungo sa lugar na kinapadparan ni Inay. Hindi siya tumitigil sa pagdarasal na makikita si Inay.
Hanggang makita niya si Inay na lulubog-lilitaw. Isang palapa ng niyog ang ginawa niyang sagwan para mapalapit kay Inay. Hindi raw maipaliwanag kung paano siya nakapagsagwan ng ganoon kabilis habang nakasakay sa puno ng ilang-ilang.
Hanggang masagip niya si Inay. (Itutuloy)
- Latest