^

Punto Mo

Mamuhay kagaya ng wolf

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY paboritong kasabihan ang matatandang nakatira sa Ireland kung saan maraming wolf: Mamuhay kayo ng kagaya ng mga wolf.

Bakit kaya? Anong mabuting leksiyon ang matututunan ng tao mula sa mga wolf?

• Namumuhay ang wolves kasama ang kanilang “packs” or barkada na binubuo 20 ng wolves. Wala silang iwanan hanggang kamatayan.

• Hindi kumakain ng bangkay ang mga wolf. Ang kinakain nila ay fresh at bagong katay.

• Ang wolf ay hindi nakikipagtalik sa kanilang ina o kapatid na babae.

• Sa isang babae lang sila nakikipagtalik habang sila ay nabubuhay. Kung tutuusin ay mas daig nila ang mga tao sa pagiging loyal sa kanilang asawa.

• Kapag namatay ang kanilang asawa, sila ay mga tatlong buwan hanggang isang taon na nagluluksa. Sila ‘yung umaalulong sa gabi upang ilabas ang kanilang kalungkutan.

• Ang mga lalaking wolf ay tinatawag na “righteous son” dahil kapag tumanda na ang kanilang ama’t ina sila na lang ang naghahanap ng pagkain para sa mga ito. Kadalasan ay namamahinga na lang ang matatandang magulang sa kanilang tirahan sa gubat.

• Mga lalaki ang naghahanap ng pagkain kasama ang kanyang “packs”. Ang mga babae ay naiiwan sa tirahan para alagaan ang mga anak.

• Para silang mga tao na nananatili ang pagtutulungan sa buong komunidad.

WOLF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with