^

Punto Mo

Pagkaltas para sa ­separation pay, puwede ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba na kinakaltasan po kami para raw sa magiging separation pay namin sakaling mag-resign kami? —Gerlie

Dear Gerlie,

Hindi dapat kayo kinakaltasan para sa separation pay. Unang-una, wala namang sinasabi ang batas ukol sa pagbibigay ng separation pay kung kusang nagbitiw o nag-resign sa trabaho ang empleyado.

Makakakuha lamang ng separation pay ang isang manggagawa kung ang kanyang pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa mga tinatawag na “authorized causes” tulad ng pagkalugi ng negosyo, kalabisan ng dami ng empleyado, o kakulangan ng trabaho para sa mga manggagawa.

Hindi rin tama ang pagkaltas sa inyo kahit pa ang ibig sabihin ng inyong employer ay para ito sa final pay ninyo. Ang  final pay ay ang kaubuang halaga na dapat matanggap ng empleyado matapos siyang mawalay sa serbisyo. Kabilang na rito ang sahod na hindi pa niya natatanggap matapos siyang magresign o matanggal sa trabaho at ang bahagi ng kanyang 13th month pay. Hindi rin dapat kinakaltas ang final pay dahil bahagi ito ng sahod ng empleyado.

Anuman ang dahilan ng inyong employer para sa pagkaltas sa inyong sahod, kailangang may written authorization ito mula sa empleyado dahil kung wala ay matatawag na wage interference ang kanilang ginagawa na maaring pagbasehan ng reklamo.

GERLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with