^

Punto Mo

Ang pangangaliwa (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Walang katotohanan ang sinasabing kaya nangangaliwa ay hindi sila maligaya sa kanilang kasalukuyang pakikipagre­lasyon. Sa pag-aaral ng  Rutgers University, natuklasan nilang ang 56 percent ng mga kalalakihang nangangaliwa ay maligaya sa piling ng kanilang partner  samantalang  34 percent ng mga kababaihang nangangaliwa ay umaming kuntento sa kanilang kasalukuyang karelasyon. Kaya ang konklusyon ng mga eksperto, minsan, naghahanap lang sila ng thrill.

• Inilathala ng department of experimental psychology sa Oxford University ang kanilang research tungkol sa koneksiyon ng haba ng daliri sa pangangaliwa. Kung mas mahaba ang ring fingers ng isang tao kaysa kanyang hintuturo, mas mataas ang level ng kanyang sex hormone kaya mataas ang appetite niya sa sex. Kung magana sa sex, may tendency na maghanap ng maraming sexual partners.

• Sabi ng psychologists may genetic factors sa pagiging kaliwete ng isang lalaki. Ang mga lalaking nagmula sa pamilyang may history ng pangangaliwa ay may “higher risk” na manahin ang pagiging kaliwete ng kanyang mga magulang at ninuno.

• Napag-alaman ng mga researchers na  85 percent ng pangangaliwa ay nangyayari sa pagitan ng magka-opisina, magkaibigan o magkapitbahay. Magugulat na lang ang isang kinaliwa na kapitbahay lang pala niya o best friend ang pinatulan ng kanyang asawa.

 

THRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with