^

Punto Mo

Ang pangangaliwa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Malaki ang tsansang mabalian ng penis ang mga lalaking ginagawa na lang hobby ang pambababae. Isang urologist mula sa University of Maryland ang may 16 cases of broken penises.  Napag-alaman ng doktor na nabalian ng penis ang isa niyang pasyente habang nakikipag-sex sa kabit. Madalas ay dulot ito ng pagmamadali. Palibhasa ay nakaw na sandali, mairaos lang ang init ng katawan kahit sa isang sulok lang.

• Kadalasang fans ng rock and roll ay mahilig mangaliwa. Pero hindi naman ibig sabihin ay lahat ng rock and roll lovers ay cheaters. Ayon sa research na isinagawa ng illicitencounter.com, 41 percent ng cheaters ay madalas na rock music ang pinapakinggan kaysa ano pang genre. Mga 16 percent ng cheaters ang nag-e-enjoy sa pop music, 11 percent ay mas gusto ang country music samantalang 7 percent lang ang mahilig sa classical.

• Minsan kahit pa nasa maligayang relasyon ang isang tao, matutukso siyang mangaliwa dahil attractive ang mga kasamahan sa trabaho. Dagdag pa rito ang trabaho nila ay nangangailangan ng madalas na pagsasama at overtime kaya nagiging close sa isa’t isa, isang rason kung bakit mataas ang tsansang matukso para magkagustuhan. Ang tawag dito ay “situational cheating”. 

• Ayon sa UCLA (University of California Los Angeles) researcher, na si Dr Martie Hazleton, ang babaing nasa high fertility phase ng kanilang menstrual cycle, or ovulation period ay mas malaki ang tsansang tumikim ng bawal na pag-ibig.

(Itutuloy)

PENIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with