Mag-ingat sa pagboto, iwaksi ang mga demonyo!
NAKAKAPANGILABOT ang nadiskubreng ginagawa ng mga dayuhang Intsik na inakalang mga turista at business investors sa ating bansa. Kanlungan na tayo ngayon ng illegal na turista at kriminal na negosyanteng dayuhan.
Ang mga pulitikong ibinoboto nating hahango sa ekonomiya ng bansa ang lumalabas ngayong pasimuno ng kademonyohang ginagawa ng mga dayuhan.
Pagsagip sa kahirapan ang pangunahing ibinebentang plataporma ng karamihang pulitiko, pero pamilya rin lamang nila ang yumayaman.
Ginagawa nilang pundasyon ang boto ng mamamayan upang ilarawan ang kanilang matibay na liderato. Pangunahing sangkap upang ibenta ito sa mga negosyanteng dayuhan na ang gawain ay isadlak tayo sa kahirapan. Mayayaman na po sila!
Ginawang komedya ang imoralidad at tinutuntungan pa ang ilang simbahang Kristiyano upang gawing instrumento sa kanilang kawalanghiyaan.
Mag-ingat na tayo sa mga nagpapakilalang kalaban ng kasamaan dahil dinanas na natin ‘yan sa mga nagdaang pamahalaan. Baka naman gusto lang nilang maipagpatuloy ang pamamayagpag ng kadiliman at kasamaan. Careful!
- Latest