^

Punto Mo

Maid of Honor (255)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO ba kayo nagkakilala ni Yana, Ram?’’ tanong ni Rocky.

“Classmate po kami, Tito Rocky. Nagkatabi po kami sa upuan. Hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad pauwi. Malapit lang po ang bahay namin sa condo nina Yana—ni Tito Honor pala. Mga 20 minutes lang lakarin ang school mula sa amin.

“Minsan nga po habang naglalakad pauwi si Yana ay may dalawang lasing ang bumastos sa kanya. Nagkataon naman na hindi niya ako ­kasama noon dahil may ginagawa ako sa bahay. Kinutuban ako at sinundo si Yana at nakita ko nga na binabastos siya ng mga lasing.

“Sinaklolohan ko si Yana. Natalo ko ang dalawang lasing at naaresto ng mga tanod.”

“Tinalo mo ang dalawa?’’ tanong ni Rocky.

“Opo. May kaunti po akong nalalaman sa martial arts.’’

“Talaga?’’

“Opo.”

“Dapat tayong dalawa ang magkasama, ha-ha-ha!’’

“Me alam ka rin sa martial arts, Tito Rocky?”

“Kaunti.’’

“Dapat pala mag-ensayo tayo minsan, Tito. Baka maaari mo akong turuan at tuturuan din kita ng alam ko.”

“No problem, Ram. Minsan dun tayo sa gym ko.”

“May gym ka rito, Tito?’’

“Oo. Maliit lang. Konti pa ang gamit.’’

“Dagdagan natin ang gamit. Popondohan ko Tito.’’

“Talaga? Wow!’’

Sumabat si Honor.

“Pasali naman ako. Turuan n’yo ko!”

“Sige po Tito Honor.  Ako ang bahala.’’

KINABUKASAN, namasyal sa tabing dagat sina Ram at Yana.

“Talagang napakasarap tumira rito, Yana.’’

“Gusto mo pagkakasal natin, dito na tayo, Ram?’’

“Oo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with