^

Punto Mo

Huwag nang pahabain ang imbestigasyon

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI pa tatapusin ang hearing ng Senado kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Meron pang mga susunod ayon kay Sen. Risa Hontiveros dahil mayroon pa umanong naglilitawang resource persons. Kamakalawa, nagkaroon ng executive session sa kahilingan na rin ni Guo. Tumagal lang daw ng ilang minuto ang session. Pero matapos iyon, nagpahayag si Hontiveros na hindi siya satisfied sa sinabi ni Guo. Ayon kay Sen. JV Ejercito, isang tao raw ang sinabi ni Guo na nasa likod ng POGO. Hindi naman sinabi ni Ejercito ang pangalan ng taong sinabi ni Guo. Sinasabi na “crucial personality” daw ito. Una nang sinabi ni Guo sa hearing bago ang executive session na “biktima” lang daw siya.

Sana huwag na lang pumayag ang mga senador na magkaroon ng executive session. Kaya nga iniimbestigahan si Guo ay para malaman nang lahat ang mga tinatago niya. Aywan ko kung bakit pumayag ang mga senador na magkaroon pa ng “taong pag-uusap”.

Wala rin namang nakuhang mahalaga kay Guo sa hiniling nitong executive session, kaya ano pa ang halaga nito?

Ayon naman kay Sen. Jinggoy Estrada, ang sinabing “crucial personality” na sinabi ni Guo ay ang tao rin na isinulat nito noon. Matatandaan na sa isang hearing, ipinasulat ni Jinggoy kay Guo ang tao na umano’y nagbabanta sa buhay nito. Walang bago sa sinabi ni Guo. Pinaiikut-ikot lang yata nito ang mga senador kaya humihiling ng executive session.

Ang pinakamaganda ay isiwalat na nina Hontiveros ang pangalan ng “crucial personality” na umano’y nasa “utak” ng POGO. Kapag naibulgar na saka gumawa ng hakbang sa taong ito. Huwag nang pahabain pa ang pag-iimbestiga kay Guo dahil mahirap itong mapiga. Hindi naman ito mapipilit dahil karapatan daw niyang manahimik. Mas humahaba ang pagtatanong kay Guo ay mas marami siyang naiisip na kasinungalingan.

Huwag nang dugtungan pa para hindi siya makapaglubid ng buhangin.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with