^

Punto Mo

Sorry

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HUMINGI ng paumanhin si PAGCOR senior vice president at dating communication electronic information service ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines Raul Villanueva sa mga sinabi niya na isang dating PNP chief ang tumulong kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para makatakas. Sinabi rin ni Villanueva na nasa payroll ng POGO ang dating PNP chief. Ang PNP chief din ay tumanggap nang malaking halaga kay Guo.

Humarap si Villanueva sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo at doon inihayag ang ukol sa dating PNP chief na tumulong kay Guo. Subalit patuloy pa raw niyang bineberipika ito.

Nasaktan ang mga PNP chiefs sa mga sinabi ni Villanueva at hiniling na pangalanan ni Villanueva ang “ex-PNP chief”. Hindi raw dapat nagsalita si Villanueva lalo’t hindi naman beripikado. Nag-demand ang grupo ng mga dating PNP chiefs na mag-public apology si Villanueva kung mapapatunayang hindi totoo ang kanyang mga sinabi sa Senate hearing.

Tumalima naman si Villanueva at nag-sorry ito sa grupo ng mga dating PNP chiefs.

Dapat namang mag-sorry si Villanueva sa kanyang mga binitiwang pahayag sa Senado. Hindi naman beripikado ang report pero nagsalita agad siya. Dati pa naman siyang hepe ng Intelligence Service ng AFP. Nagpapakita na hindi muna siya nagsagawa ng pagsisiyasat at maaaring tsismis lang ang nasagap niya. Mahalaga na mag-imbestiga muna bago magbitiw ng mga salita. Maraming “ex-PNP chief” at lahat sila ay maaaring isa sa sinabi ni Villanueva.

Nang araw ding iyon (Martes) na nag-sorry si Villanueva, inilabas ni Sen. Risa Hontiveros ang mga photos na kasama ni dating PNP chief Benjamin Acorda kasama sina Tony Yang, Wesley Guo at Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Calugay.

Sina Yang, Wesley at Calugay ay mga inimbitahan ng Senado kaugnay sa POGOs.

Nang tanungin, sinabi ni Yang na binisita lang nila si Acorda sa Cagayan de Oro. Matagal na raw niyang kilala si Acorda. 

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Acorda na wala siyang kinalaman sa POGO at ang ginawa niya ay para sa ikabubuti ng bansa. Mahal daw niya ang Pilipinas at ang PNP organization.

Mahaba pa ang pagdinig ng Senado ukol sa POGO na kinasasangkutan ni Alice Guo. Dapat, tatapusin na raw ang pagdinig pero sa dami ng mga lumulutang na resource persons, maaaring humaba pa ito.

Matukoy kaya ang “ex-PNP chief”?

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with