^

Punto Mo

Paano nagsimula?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ang pagsusuot ng itim kapag nagluluksa

Noong unang panahon hanggang pagpasok ng 15th century, puting damit ang isinusuot ng Europeans kapag nagluluksa. Ang puti kasi ay simbolo ng pag-asa at pagbabago. Ngunit noong namatay si King Charles VIII of France noong huling bahagi ng 15th century, nagsimula nang magsuot ang mga tao ng itim na damit kapag nagluluksa. Ginaya kasi nila ang biyuda ni King Charles na si Anne of Britanny na nakaitim habang ipinagluluksa ang asawa.

Ang April Fool’s Day

Hanggang 1563 ang New Year ay ipinagdiriwang ng April 1sa Europe. Ang selebrasyon ay isang linggong party sa plaza o pinakasentro ng kabayanan na sisimulan ng March 25 hanggang April 1. Ngunit pagdating ng 1564, binago na ang kalendaryo at ang New Year ay naging January 1. Palibhasa nanibago ang mga tao sa bagong petsa ng New Year, marami pa rin ang nasanay at pumupunta sa plaza pagsapit ng April 1. Ang mga taong pumupunta ng April 1 ay kinakantiyawan at tinatawag na “April Fools”. Kung isasalin sa Tagalog, ang kantiyaw ay “Ang mga tanga, akala ay April 1 pa rin ang New Year!”

Ang pagbibigay ng tip

Noong 17th century, may mga restaurants na naglalagay ng box sa kanilang entrance na may nakatitik na T.I.P. – To Insure Promptness. Ang kostumer na nagnanais ng mas mabilis na serbisyo kaysa normal ay naghuhulog ng barya sa box bago pumasok at umupo sa restaurant.

Ang pagbibigay ng regalo sa titser

Sa Western at European countries, ang public school teacher noong unang panahon lalo na sa mahihirap na bayan, ay binabayaran lang ng kahit anong pagkain bilang kahalili ng cash na suweldo. Dito nanggaling ang ideya na pati estudyante ay nagbibigay din ng pagkain sa titser para sumipsip.

vuukle comment

APRIL FOOL’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with