^

Punto Mo

Utu-uto…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NASA looban ang bahay niya kaya maglalakad siya ng 10 minuto bago makarating sa bungad kung saan naroon ang bus stop. Araw-araw ay ganoon ang nilalakad niya bago makasakay patungo sa trabaho. Bago makarating sa bus stop ay madaraanan niya ang isang private mental hospital. Ito ay napapaligiran ng mataas na bakod kaya hindi niya nakikita kahit kailan ang hitsura ng loob nito. Dito raw nako-confine ang mayayaman o celebrities na nababaliw kaya hangga’t maaari ay lihim na lihim ang identity ng mga pasyente rito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit napapaligiran ito ng mataas na bakod.

Isang linggo na niyang napapansin na tuwing siya ay nasa tapat ng mental hospital, nagsisigawan ang maraming boses ng Ten! Ten! Ten!... Ang level ng boses ay parang natutuwa o nagtsi-cheer. Sa pagdaan ng mga araw, pataas nang pataas ang curiosity niya kung ano ang ibig sabihin ng “TEN” na isinisigaw ng mga tao sa loob ng mental. Staff kaya ng ospital ang nagsisigawan o mga baliw na pasyente? Pakiramdam niya ay nasa kabilang bakod lang ang mga sumisigaw. Napatitig siya sa bakod na nasa harapan niya. Tumigil siya. Noon ay nagsisigawan ulit ng “TEN” ang mga tao sa kabilang bakod.

Lumapit siya sa bakod na yari sa kahoy at semento. Idinikit niya ang kanyang tenga sa kahoy. Tapos nakita niyang may butas ito na kasinglaki ng golf ball. Sumilip siya…Plok!  May tumama sa kanyang mata. Mamasa-masa na malambot. Hinipo niya ang tumama sa kanyang mata. Inamoy…ang baho! Ebak ng tao ang tumama sa kanyang mata! Napasigaw siya sa pandidiri. Kasunod noon ay sabay-sabay na pagsigaw mula sa loob ng bakod: Eleven! Eleven! Eleven!

CHEER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with