‘Paniki’ (Part 4)
MULA nang mamatay si Lola Angela ay hindi ko na gaanong naalala ang may kaugnayan sa paniki. Pati ang pamahiin na kapag may pumasok na paniki sa loob ng bahay ay hindi ko na rin gaanong pinapansin.
Nang mag-aral ako sa Maynila at manirahan sa aking pinsan sa Sampaloc Maynila, muling nabuhay ang tungkol sa paniki.
Paano’y ang apartment na aking tinirahan ay malapit sa abandonadong lumang bahay. Nasa ibang bansa na raw ang may-ari at napabayaan na ang bahay.
Kapag alas sais ng gabi, maraming paniki ang naglalabasan sa bahay. Malalaki ang paniki at itim na itim.
Naalala ko ang sinabi ni Lola na magsara ng bintana. Kaya isinara ko ang bintana ng tinitirahan ko.
Takang-taka ang aking pinsan sa ginawa ko.
“Ba’t mo isinara ang mga bintana, Jun?”
“Baka po may makapasok na paniki. Masama raw po yun.’’
Nagtawa ang pinsan ko.
“Hindi totoo yun. Sa probinsiya lang yun. Buksan mo ang bintana at mainit.”
Sinunod ko. (Itutuloy)
- Latest