‘Paniki’ (Part 3)
LALO pang nadagdagan ang aking takot nang may namatay na naman nang sumunod na linggo. Malapit din sa amin ang namatay—isang babae na maysakit din. Lahat nang mga namamatay ay may sakit.
Pero ang sabi ni Lola, bago raw mamatay ang babae ay isang paniki ang nakapasok sa bahay. Ang ginawa raw ng asawa ng babae ay hinampas ng walis ang paniki at tinamaan. Namatay ang paniki. At kasunod noon ay namatay din ang babae. Pero ang usap-usapan, inatake raw sa puso ang babae. Dati na raw maysakit sa puso ang babae.
Sa nangyaring iyon ay nag-iisip ako kung nagkataon lang kaya ang pagpasok ng paniki sa bahay?
Nagkaroon tuloy ako ng pagdududa sa sinabi ni Lola Angela na masama ang mangyayari kapag nakapasok sa bahay ang paniki. Totoo kaya o paniwalaan-dili?
Hanggang sa makatapos ako ng high school at nagkolehiyo sa Maynila. Nasa first year ako nang mamatay si Lola.
Nakalimutan ko mula noon ang tungkol sa paniki.
Ang bahay na tinirahan ko sa Sampaloc ay malapit sa isang lumang bahay na wala na raw tumitira. Nasa abroad na ang may-ari. Tuwing hapon, maraming paniki na lumalabas sa bahay. (Itutuloy)
- Latest