^

Punto Mo

‘Paniki’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

ANG bahay namin sa probinsiya ay malapit sa luma at sinaunang simbahan. Kapag sumapit ang alas sais ng gabi ay lagi na­ming natatanaw sa bintana ang paglabas ng mga paniki sa kisame ng simbahan. Hindi na ginagamit ang simbahan dahil marupok na. Ginawa na lamang itong tourist spot. May mga halaman sa paligid ang simbahan kaya marami rin ang bumibisita. Pero hanggang sa labas lang ang mga tao dahil baka raw may bumagsak mula sa kisame. Isang dahilan din kaya hindi na ginagamit at dahil mayroon nang bagong simbahan.

Kaya ang lumang simbahan ay naging tahanan na lamang nang napakara­ming paniki.

Noong nabubuhay pa ang aming Lola Angela at nakikita kaming pinanonood ang paglabas ng paniki mula sa simbahan ay agad kaming inuutusan na isara ang mga bintana.

“Bakit po Lola?’’ tanong ko.

“Baka may makapasok na paniki!’’ sabi ni Lola.

“Ano pong masama kung makapasok ang paniki?’’ tanong ng isa kong kapatid.

“May mamamatay!’’

Nangilabot kami—lalo ako!

(Itutuloy)

vuukle comment

TOURIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with