^

Punto Mo

Hindi ba puwedeng maningil ng utang sa social media?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bawal ba talaga maningil ng utang sa social media? Tinanong ko sa Facebook ‘yung may utang sa akin kung kailan niya ako mababayaran pero nagdalawang-isip ako kaya binura ko rin kaagad. Tama ba na binura ko na lang ang message ko kahit nagtatanong naman ako nang maayos? —Arlene

Dear Arlene,

Wala akong nakikitang masama sa pagtatanong tungkol sa utang sa social media, lalo na kung maayos naman ang mensahe at ang nakakakita lamang nito ay ang taong may utang sa iyo at wala ng iba. Gayunpaman, mabuti na rin ang ginawa mong pagbura sa iyong message dahil hindi mo naman kontrolado kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao sa mga mensahe sa social media kahit gaano pa ang ingat mo sa iyong pananalita. Isang karapatan rin ang pagsasampa ng kaso kaya kahit walang basehan ay hindi mo naman mapipigilan ang pasya ng iba na magdemanda laban sa iyo.

Kung gusto mo talagang maging matiwasay ang iyong paniningil, pinakamainam na padalhan mo na lang ng pormal na demand letter ang may utang sa iyo. Bukod sa makakaiwas ka na sa potensiyal na demanda, magagamit mo pa ang ipinadala mong demand letter para sa pagsasampa ng reklamo kung naisipan mo ng dumulog sa korte upang mabawi ang ipinahiram mong halaga.

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with