^

Punto Mo

Gen. Torre, pinakapoging opisyal ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Ang pinakapoging opisyal ng Philippine National Police sa ngayon, maliban kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ay si PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre III. Walang kokontra ha? Sa pagkaaresto…este pagsuko ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16 araw ng operation, umani si Torre ng sangkaterbang pogi points.

Ipinakita ni Torre ang kanyang liderato, na kahit inulan siya ng pagkukutya o kantiyaw ng KOJC members, hindi siya natinag hanggang nagtagumpay sa iniutos sa kanya. Get’s n’yo mga kosa? Isinugal ni Torre ang kanyang kinabukasan sa PNP sa ginawa niya at mabuti na lang at nagtagumpay siya. Kung pumalso siya? Tiyak sa kangkungan siya dadamputin, katulad ng nangyari sa kanya sa QCPD. Araguyyy! Hehehe! Kanya-kanyang suwerte lang ‘yan!

Kaya lumakas ang ugong sa Camp Crame na mapo-promote si Torre, either sa NCRPO o sa CIDG. Nararapat lang siyang mapremyuhan, di ba President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez Sir’s? Mismooo! Kapag tuluy-tuloy ang buwenas ni Torre, puwede rin siyang maging CPNP, kapalit ni Marbil sa Pebrero. Araguyyy! Sa 2027 pa magreretiro si Torre kaya kung hindi man niya makuha ang puwesto ni Marbil sa Pebrero, puwede siyang magpabandying-bandying muna.

Ang tinitiyak ng mga kosa ko, maapektuhan ni Torre ang termino ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, ang pinakabata sa PMA Class ’92. Dahil sa Quiboloy accomplishment, hindi puwedeng iitsapuera sa equation si Torre sa labanan sa pagka-PNP chief. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya naman kumalat ang promotion ni Torre dahil kailangan nang punuan ni Marbil ang mga nabakanteng puwesto sa PNP. Magkaroon ng galawan, na hinihintay ng mga Marites mula pa magretiro si ex. Lt. Gen. Emmanuel Peralta last August 24. Ang ginawa lang ni Marbil ay itinalaga si Lt. Gen. John Michael Dubria bilang OIC ng DCA.

Sana gawin ng permanent ‘yan, para hindi na malampasang muli si Dubria tulad ng nangyari sa pag-upo ni Peralta sa DCA, di ba mga kosa? Si Dubria ay professional police officer kaya dapat iwaglit na ang taguri na “Durian boy” sa kanya. Magreretiro pa naman siya sa Disyembre. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Lalong darami ang bakanteng puwesto dahil sa pagretiro rin ni TCDS Lt. Gen. Jon Arnaldo sa Octubre 3. Sa naturang buwan, lilisanin din nina Lt. Gen. Jonnel Estomo, ang commander ng APC Southern Luzon at DICT director Maj. Gen. Maffy Bazar ang kani-kanilang puwesto. Tsk tsk tsk! Si Arnaldo ay kaklase ni Marbil sa PMA Class ’91, samantalang sina Estomo at Bazar belongs to the PMA Class ’92.

Sa pagretiro nilang tatlo, ang matitirang graduate ng PMA sa PNP ay magiging 11 na lang. Kaya, may posibilidad na mga Lakan o graduate ng PNPA ang susunod na magiging PNP chief? Siyempre, si Torre na ‘yan, di ba mga kosa? Si Torre ay miyembro ng PNPA Class 93 at hinog na siya para maging PNP chief. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ni kosang Allan M. na ang rigodon sa PNP ay sa Oktubre 1 na at maaring mapaaga ito kapag pinirmahan ni BBM ang listahan ni Marbil. Dipugaaa! Hindi ko na babanggitin kung sinu-sino ang mga kandidato sa mga juicy positions sa PNP, tulad ng CIDG at NCRPO at baka mausog pa. Tumpak! Abangan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad