^

Punto Mo

Mga dapat gawin para pumayapa at sumaya ang buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Tigilan ang pagti-tsek kung ilang “views” ang nakuha matapos i-post ang iyong istorya sa social media.

• Tigilan ang pag-delete ng posts kung kakaunti lang ang nag-like dito.

• Kung hindi naman makakasira ng iyong dignidad, huwag mahiyang gawin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng sanlaksang tuwa at saya.

• Huwag ikumpara ang sarili sa ibang tao. Isipin mo lang na maganda ka at magaling.

• Huwag mo nang basahin ang mga lumang text messages, puwera lang kung ito ay nagpapasaya ng iyong puso.

• Umiwas sa mga taong mahilig gumawa ng “drama”.

• Ayusin ang mga kalat sa iyong bahay. A cluttered space often creates a cluttered spirit.

• Tigilan na ang pagiging “judgemental” at tsismosa.

• Dalasan ang pagsasabi ng “thank you” sa mga nagbigay sa iyo ng pabor, malaki man o maliit.

• Laging ngumiti. Praktisin kung paano magkaroon ng “smiling face’.

• Huwag problemahin ang “future”. Hindi mo ito makokontrol. Kung masaya at tahimik ang kasalukuyan, malaki ang tsansa na magpapatuloy ito sa mga darating na araw.

• Mas damihan ang pagkain na nagmula sa halaman at dagat.

• Makinig para maintindihan ang sinasabi ng kausap at hindi para kontrahin ang sinasabi nito.

• Iwasang bilisan ang pagsasalita kapag nagpapaliwanag. Mabagal pero malakas at gawing maliwanag ang pronunciation ng mga salita.

• Bumili ng coloring books for adults. Nagiging tulay ito para makalikha ng inner peace.

• Agahan ang gising at unahin ang sarili. Ikaw lamang ang available na makakapagbantay 24/7 sa iyong sarili.

• Magkaroon ng sariling ipon at ikaw lang ang mamahala nito. Ang pinagmumulan ng stress ay kakulangan sa pera lalo na kung matanda na.

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with