^

Punto Mo

Maid of Honor (242)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO pa ang mga sinabi sa iyo ng future mother-in-law mo, Yana?’’ tanong ni Bianca na halatang excited na excited.

“Sabi po ni Mommy Celia, gusto niya ay magkaroon kami nang maraming anak ni Ram. Siya raw po ang bahalang gumastos at siya rin ang magpapaaral. Gusto raw po kasi niya ay masaya sa kanyang bahay.’’

“Talaga? At Mommy na ang tawag mo sa kanya?’’

“Opo, Ate.’’

“Napakasuwerte mo talaga, Yana. Ubod pala ng yaman ang biyenan mo. Siya ang ga­gastos sa mga anak n’yo ni Ram.’’

“Opo.’’

“Aba ang gagawin mo lang pala ay umanak nang umanak!’’

Napahalakhak si Yana sa sinabi ni Bianca.

“Ano pa ang sinabi sa iyo ni Mommy Celia.”

“Huwag na raw kaming bumili ng sariling bahay dahil sa bahay niya kami titira. Gusto raw niya ay sama-sama kami.’’

“Ah oo kasi nga naman ay nag-iisang anak niya si Ram.’’

“Opo.’’

“Ano pang sinabi ni Mommy?’’

“Huwag daw po ka­ming tatanggi sa kanyang mga ­iniaalok. Mangako raw kami ni Ram sa kanya.’’

“Anong sabi ninyo ni Ram?’’

“Hindi po kami tatanggi at talagang dun kami sa malaking bahay niya  titira.’’

“Wow! Hindi ako makapaniwala sa suwerte mo, Yana. Alam mo kung sino ang tulad mo?’’

“Sino po?’”

“Si Cinderella.’’

Nagtawa si Yana.

“Baka naman kapag mayaman ka na e kalimutan mo kami? Baka hindi mo na kami maalala,’’ sabi ni Bianca na tamang-tama naman na narinig ng bagong dating na si Kuya Honor. Nagtaka si Honor sa pinag-uusapan ng dalawa.

Sumabat si Honor.

“Ano ba yang pinag-uusapan ninyong dalawa at mukhang mayaman ang topic? Nanalo ba si Yana sa lotto?’’

“Higit pa sa nanalo sa lotto!’’

“Bakit?’’

“Napakayaman nang mapapangasawa nito! Superyaman!’’

‘‘Talaga?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with