^

Punto Mo

Teenager na napakalaki ng kamay at paa, nakatanggap ng Guinness World Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa Michigan, U.S.A. ang nakapagtala ng world record dahil sa napakalaki nitong mga kamay at paa!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang 16-anyos na si Eric Kilburn Jr. ang pinakabagong record holder ng titulong, “Largest Feet on a Living Teenager” dahil sa paa nito na may sukat na 13.5 inches. Ang shoe size ni Eric ay size 23, napakalaki kumpara sa pangkaraniwang shoe size na 8.5 hanggang 9.

Bukod sa nabanggit na Guinness title, natanggap din ni Eric ang titulong ­“Largest Hands on a ­Teenager” dahil sa sukat ng kanyang kamay na 9.13 inches.

Dahil sa hindi pangkaraniwang laki ng mga paa ni Eric, kinakailangan pa niyang magpasadya ng sapatos sa napakamahal na halaga. Kapag panahon ng taglamig, kailangan din niyang magpa-customize ng winter gloves.

Matapos ma-feature sa TV at mga news program si Eric, lumapit sa kanya ang isang kilalang sportswear brand na Puma at Under Armour at nag-alok ang mga ito na isponsoran siya ng mga sapatos.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with