^

Punto Mo

Maid of Honor (241)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYANG-MASAYA si Ram dahil nakitang magkasundo ang kanyang mommy  at si Yana.

“Ano ba ang pinag-uusapan ninyo at mukhang seryoso kayong dalawa?’’ tanong pa ni Ram makaraang ibaba sa table ang pagkain at juice.

“Sinabi ko kay Yana na gusto ko siya. Gusto ko siya para sa iyo, Ram. Perfect siya para sa iyo. Masuwerte ka kapag si Yana ang naging kabiyak mo. Huwag mo akong kokontrahin. Kilala mo ako na magaling na kumilatis.’’

Napangiti si Ram. Naupo ito sa tabi ni Yana.

“Tama ka riyan Mommy, walang ibang babae na makahihigit kay Yana.”

Tinampal ni Yana sa hita si Ram.

“Masyado na ang mga papuri na natanggap ko sa inyo,’’ sabi ni Yana.

“Totoo naman yun Yana. Ikaw talaga ang tamang babae para kay Ram at gusto kong kayo ang magkatulu­yan. Huwag kayong tatanggi. Sundin ninyo ang kahili­ngan ko. Makakaasa ba ako?’’
“Opo Mommy,’’ sagot ni Ram.

“Ikaw Yana?’’

“Opo Tita.’’

“Good. Mommy na ang itawag mo sa akin, mula ngayon.’’

“Opo Mommy.’’

Muling niyakap ni Mommy si Yana.

IKINUWENTO ni Yana kay Bianca ang mga nangyari sa bahay nina Ram. Hindi makapaniwala si Bianca.

“Napakasuwerte mo Yana. Napakabait ng mother-in-law mo.’’

“Oo nga Ate Bianca. Lalo ko tuloy minahal si Ram.”

“Bihira sa magiging ­mother-in-law ang harap-harapang sasabihin na gusto nila ang magiging manugang. Sa ginawa ng mommy ni Ram, talagang type na type ka niya. Huwag mo nang pakakawalan si Ram. Bukod sa mabait, guwapo, mayaman ay mayroon pang mommy na ubod ng bait. Sagpangin mo na, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Yana sa sinabi ni Bianca na ­sagpangin na si Ram.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with