Quiboloy nilaglag ng ilan niyang miyembro
NAKU ayan na nga, ibinulgar ng Philippine National Police (PNP) na mismong mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang naglaglag nito at nagturo sa kinaroroonan ng kanilang wanted na leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon nga sa PNP, ilang babaeng miyembro ng KOJC ang informant sa pinagtataguan ni Quiboloy.
Bukod pa ito sa kanilang intelligence network at gamit na underground gathering radar kung saan namomonitor ang kilos ng isang tao.
Nilinaw ni Torre na nasukol at napapalibutan na si Quiboloy ng mga tropa ng pulis sa ACQ College of Ministry, sa loob ng compound kaya’t napilitan na itong lumutang.
Maging ang P14 milyong pabuya matapos na mapasakamay sa mga awtoridad si Quiboloy ay paghahatian ng mga informant.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, paghahati-hatian ng mga informant ang nasabing halaga na hindi maaaring isiwalat ang mga pangalan para na rin sa kanilang seguridad.
Tikom din naman ang bibig ng PNP official sa kinaroroonan ng mga informant para na rin sa kanilang seguridad.
Hindi naman kinumpirma kung ang mga informant ay nasa loob ng KOJC compound sa Davao City.
Kasabay naman nito, maglulutangan pa umano ang mga naging biktima ni Quiboloy.
Sa dami ng reklamong kahaharapin sa bansa laban kay Quiboloy, mukhang matatagalan pa bago ito madala sa US kung saan may kasong kriminal din itong kinakaharap.
- Latest