^

Punto Mo

‘Hikaw’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG magtrabaho ako sa Saudi Arabia noong dekada 80, nahumaling ako sa pagbili ng alahas na ginto particular ang hikaw. Kapag araw ng suweldo, humahangos ako sa pagtungo sa mga gintuan sa Batha para bumili ng hikaw. Mura pa noon ang gramo ng ginto kaya marami akong naipon na hikaw.

Dahil wala pa akong asawa noon, sa mga kapatid kong babae ibinibigay ang mga nabibili kong hikaw at kuwintas. Apat ang kapatid kong babae. Kayang-kaya kong bumili ng alahas dahil malaki ang aking suweldo bilang draftsman.

Kapag nagbabakasyon ako, masayang-masaya ang aking mga kapatid na babae dahil mga alahas ang pasalubong ko sa kanila. Karaniwang hikaw ang pasalubong ko.

Nagbibiro nga ang aking mga kapatid na huwag daw muna akong mag-aasawa.

“Kuya huwag ka munang lalagay sa tahimik ha?’’ sabi ng isa kong kapatid.

“Bakit?’’

“Mawawala ang suplay ng hikaw! Siyempre, kapag may waswit ka na, siya na ang ibibili mo.’’

“Hindi pa ako mag-aasawa.’’

“Pangako ha?’’

“Oo.’’

Pero hindi ko natupad ang pangako. Nag-asawa ako.

(Itutuloy)

SAUDI ARABIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with