^

Punto Mo

Kontrobersiyal talaga si Pastor Quiboloy

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagama’t nasa kustodiya na nga ng mga awtoridad si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy, aba’y talaga namang napakakontrobersiya nito.

Mistulang laging pinag-aagawan o sadyang may nanlilito lamang.

Mula sa pagkaaresto, sinasabing sumuko.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabing inaresto at hindi pagsuko ang naganap.

Nasukol na ito kaya napilitang lumabas ng lungga.

Lumikha rin ng kontrobersiya nang kinagabihan matapos itong maaresto, kumalat nga na sumuko si Quiboloy sa AFP at hindi inaresto ng PNP, kaya raw kailangan ibigay ito sa kustodya ng ISAFP.

O di ba, kontrobersiyal talaga si Pastor?

Pero eto nga’t dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kahilingan ng kampo ni Quiboloy na ilipat ito sa kostudya ng Kampo Aguinaldo.

Ayon sa AFP, sapat na nakasuporta sila sa kilos at operasyon ng Philippine National Police (PNP) simula nang ikasa ang operasyon laban kay Quiboloy.

Hindi pa dyan natatapos ang kontrobersiya, pati ng kustodiya sa naarestong pastor pinag- aagawan talaga, di malaman kung saan ilalagak.

Sa kasalukuyan nasa kustodya si Quiboloy ng PNP, pero kahapon naglabas ng kautusan ang QC court na ipinalilipat si Quiboloy at mga kasamahan nito sa Quezon City jail.

 

Tinutulan naman ito ng PNP na nanindigang mananatili sa kanilang kustodya ang grupo ni Quiboloy

Ito umano ay dahil sa inilibas ding. kautusan ang RTC Pasig na nag-uutos na i-   retain ng PNP ang custody ng mga nasabing indibiduwal dahil mga kaso  ang ng mga ito  sa Pasig  ay non-bailable.

Ayon pa sa PNP hindi nila maaaring isugal ang paglilipat ng custody kay Quiboloy at sa apat na iba pa sa posibilidad na magpiyansa ang mga ito at mawalan ng kontrol ang PNP.

Nahaharap sa kasong qualified human trafficking sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 sina Quiboloy.  Non-bailable ang nasabing kaso sa ilalim ng Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking of Persons Act of 2003.

Ganyan ang dalang kontrobersiya ni pastor.

Aantabay tayo kung sino ang mananaig

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with