^

Punto Mo

‘Kabaong’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

GINABI ako ng paglabas sa klase ng araw na iyon dahil meron kaming praktis sa sayaw na aming ipi-perform sa foundation ng aming school. Nasa fourth year high school ako noon.

Nang mga panahong iyon ay madalang pa ang ilaw sa kalye. Layu-layo pa ang mga poste ng kuryente kaya madilim sa dara­anan ko papasok sa aming bahay.

Habang papalapit ako sa gawaan ng kabaong ay panay ang kaba ng aking dibdib. Madilim sa kabaungan dahil wala nang mga taong gumagawa roon. Ang alam ko, hanggang alas singko lamang ang mga gumagawa ng kabaong. Ang likod ng kabaungan ay walang bakod kaya makikita mula sa kalsada mga kabaong na hindi pa tapos pinturahan.

Hindi ako lumilingon sa kabaungan nang dumaan ako. Matigas ang leeg ko. Lampas na ako sa kabaungan nang makarinig ako ng sigawan.

“May nag-aamok na lasing! May dalang jungle bolo! Magtago kayo! May nataga na siya!’’

Pagkatapos ay nakita ko ang isang lalaki sa di-kalayuan na patungo sa kinaroroonan ko. May hawak siyang mahabang itak. Lahat nang makakasalubong ay tinataga. Patungo na ang huramentado sa akin.

Tumakbo ako pabalik. Hanggang nagpasya ako na magtago sa kabaungan. Tinapangan ko na! Sumiksik ako sa bagong gawang kabaong. Nakita ko na luminga-linga ang lasing na may jungle bolo. Hindi ako humihinga.

Hanggang umalis ang lalaki. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Mula noon, hindi na ako natakot sa kabaong.

COFFIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with